Linggo, Hunyo 12, 2011

Ina at Anak

                                                      By Ralph Arveen Cabigon

                                                               


                       
                                        Halos walang araw na hindi nagpupunta si Elena at Ramon sa simbahan ng baclaran upang magsimba at humiling na bigyan sila ng anak dahil baog si Elena,  naniniwala sila sa milagro ng simbahan kaya sa kabila ng mapait na katotohanan ay humihingi na lamang sila ng kahit kaunting milagro.    

                                            Isang araw ay hindi mapigilan ni Ramon na maingit sa ibang pamilya dahil sa ilang taon na silang nagsasama hanggang ngayo'y wala parin silang anak at nang lumaon ay naging babaero ito.   Nagpasya si Elena na umampon na lamang upang mapunan ang kakulangan sa asawa at matigil sa pambababae at huwag nang hintayin pa ang milagro. Pagkakuha sa batang babae ay dumaan muna si Elena sa simbahan upang magpasalamat kahit papaano na nakaampon sila ng isang mabait at magandang batang babae na nagkakaedad lamang ng walong taon.   Isang pari ang pumansin sa kanila at nagsabing hindi ka "hindi ka dapat nawalan ng pag-asa dahil nakamit mo na ang hinihingi mong himala" sila'y nagtaka at nang kakausapin pa ay bigla na lamang nawala dahil sa dami ng tao sa naturang simbahan.    

                                                      Inakala ng mag-asawa na ang batang babae ang bigay na milagro kaya nagsaya ang mag-asawa sa kanilang tahanan,bumaha ng mga handa at pati alak na nagresulta upang malasing si Ramon at nang gabi ding iyon ay nagsiping na naman ang mag-asawa. Pagkalipas ng ilang linggo ay unti-unting nagsusuka si Elena at nang magtaka ang mag-asawa ay nagpakonsulta sila sa duktor at nagsabing si Elena ay nagdadalang tao.    Hindi maipinta sa mga mukha ng mag-asawa ang tuwa at sa wakas ay magkakaroon na sila ng isang anak na mismong galing sa kanila bagamat mayroon na silang inampon ay tinanggap na lamang ng mag-asawa na manatili na lamang ang bata sa kanila.

                                Pagkalipas ng labing limang taon ay pareho na silang nasa mataas na paaralan ngunit magkaiba nga lang ng paaralan na pinapasukan. Si Jessy (ang batang babae na ampon) ay nasa pampublikong paaralan at si Kevin (ang tunay na anak) ay nasa pampribadong institusyon.    Elementarya paman ay hindi na magkasundo ang dalawa, napakabait ni Jessy habang si Kevin ay may pagkasalbahe at walang araw na sila'y hindi nag-aaway mula pa nung mga bata sila ngunit sa katagalan ay nagkakahiyaan narin ang dalawa kaya nabawasan ng husto ang kanilang awayan ngunit hindi parin magkasundo.

 Bagamat si Jessy ang pinakamabait, masipag at masunuring anak, kay Kevin parin napupunta ang karamihan ng mga pabor tulad ng paghingi ng pera, pagkakaroon ng sariling kuwarto sa kanilang bahay at iba pang mamahaling gamit.    Kahit na nakakadama ng pagkainggit si Jessy ay sa kanya naman napupunta ang lambing, tunay na pagkalinga at pagmamahal na hindi ibinigay kay Kevin dahil sa saksakan ito ng katamaran hindi lang sa paaralan kundi sa pati sa kanilang tahanan.   Napakalasinggero ni Kevin at laging naghahanap ng gulo, mumuntikan nang makick-out sa paaralan hanggang sa ito'y natuluyan nang madrop-out sa klase.

                                 Isang araw, nakapatay si Kevin sa ibang lugar dahil sa sinalihang gang at namomroblema kung saan kukuha ng pantapal sa kaso upang hindi siya makulong at nang minsang maalala na may ibinigay na kuwintas ang kanyang mga magulang kay Jessy na tila mamahalin ay nagkaroon siya ng sigla at lakas ng loob na nakawin ito.      Isang araw ay nagsimba ang mag-ina at siya lang natira sa bahay dahil si Ramon ay kasalukuyang nasa ibang bansa upang maghanap buhay para sa kanila.     Kahit na nakakandado ang kuwarto ng kanyang ina ay gumawa siya ng paraan upang mabuksan ang lock.     Makalipas ang ilang araw ay napuna ni Jessy na hindi na niya makita ang kuwintas na nagkakahalaga ng sobra isandaang libo.   Wala namang kibo si Kevin sa tindi ng pag-aalala ni Jessy at nang kanyang ina hanggang sa hindi na maiwasang paghinalaan ni Jessy si Kevin na siya namang ikinagalit ng husto na nagresulta upang magkagulo.       Nang hindi na makayanan ni Elena ay nagbitiw siya ng mga salita na nagsasabing si Kevin ang dapat na lumayas dahil ito ay isa lamang ampon dahilan upang matigilan si Kevin.

Humingi ng pagpapatunay si Kevin at ibinigay sa kanya ang isang pinekeng papeles.         Biglang lumayas at naglasing si Kevin buong magdamag at nang kinaumagahan ay nagising siya sa harap ng gate ng kanilang bahay katabi ang mga bag na naglalaman ng kanyang mga gamit.     Buong araw ay nakalock ang gate kaya buong araw din na nanatili si Kevin sa harap.   Umulan at umaraw ay naroroon siya, umaasang mapatawad hanggang sa pinagbigyang makabalik sa kanilang bahay.

                                Bagamat nakabalik ay hindi na siya muli pang pinansin ng kanyang ina, dinadaan-daan lamang siya nito at ang dating kuwarto niya at gamit ay nasa pag-aari na ni Jessy.   Si Jessy na lamang ang tanging pumapansin kay Kevin at insan ay napagpasyahan na ni Kevin na tuluyan nang lisanin ang kanilang bahay at walang tiyak na direksiyon kung saan patutungo.

                                Nakakuha si Kevin ng isang matitirhan ngunit ito'y nasa isang abandonadong gusali at ang loob ay napakasikip, walang kagamit-gamit kaya natutulog na lamang siya sa sahig.    Ang tanging ilaw ay ang isang kandila na nakalagay sa isang babasaging baso.    Araw ng pasko nang sinubukan niyang bumalik sa dating tirahan, gabi noon nang makarating.     Naaninag niya sa loob ang isang nagkakasayahan magpamilya dahil naroroon na pala ang kanyang ama at dahil sa hindi man lang siya inalala ay lalo siyang nagtampo ni hindi niya alam na mayroong isang supot ng mga pagkain ang ipinadala sa kanya sa gusaling tinutuluyan niya at ito'y kinuha ng iba.       Mula noon ay tinuluyan na niya ang sarili at nagpakalulong na sa droga, pinasok ang ibat-ibang sindikato at laging nakatambay sa kanto habang nag-aabang ng bibiktimahin.

                                Samantala ay nag-alala naman si Elena kung ano ang nangyari sa anak kaya hinanap nila ito at nagpasyang pabalikin na lamang siya ngunit hindi na ito mahanap.     Nagpaskil sila ng larawan sa kung saan-saan pati ang pananawagan sa radyo ay ginawa na nila.    Umiiyak si Elena habang nagmamakaawa na magpakita na sa kanya ang anak hanggang isang impormanteng Jail Guard galing sa isang malayong kulungan ang nakakilala kay Kevin, ito daw yung nasa isa sa mga bartolina ng pinapasukan niyang bilibid prison.    Agad ay tumungo sila sa naturang kulungan at sa isang napakadilim na bartolina naaninag ang isang nangangayayat at buto't balat na si Kevin.    Pinilit ni Elena na magmakaawa sa anak na siya'y patawarin.    Sa kabila ng lahat ay binalewala parin ito ng anak at imbes na siya'y mapatawad ng nag-iisang anak ay ilang beses siya nitong sinigawan at inalipusta at kahit na masakit ito ay tinanggap lahat ito ni Elena kung ito ang paraan upang mapatawad siya ng anak.     "Hindi ba't sinabi mong ampon mo lang ako" bakit nandirito ka parin" ito naman talaga ang gusto mo hindi ba!' ang pahirapan ako at tanging si Jessy lang ang mas pinahahalagahan mo dahil siya pala ang tunay mong anak at isa lang akong bastardo na itinatapon lang dahil sa wala kong kuwentang tao".     Tumugon si Elena sa anak     "Anak', hindi mo alam kung bakit nagawa ko lahat ng iyon', ni minsan hindi ako nagkulang sayo' ikaw! ang nagkulang sa akin, dahil mga barkada at bisyo mo lang ang minahal mo at kinalimutan mo nang isa tayong pamilya".     Sa kabila ng lahat ay pinataas parin ni Kevin ang kanyang pride at ayaw pakinggan ang kanyang ina ngunit sa kabila ng lahat ay nanatili si Elena sa labas ng bartolina, pilit na binabantayan ang anak at nang minsang atakihin ng ulser si Kevin ay halos mamilipit ito sa sakit habang si Elena naman ay hindi malaman kung paano mapapasok ang anak sa loob.  Isang araw ay nag-usap ang mag-asawa kung saan makakakuha ng mahigit isang milyong piyansa upang mapalaya ang anak at dahil sa naubos ang lahat ng ipon ng mag-asawa sa gastos upang mahanap ang anak ay wala silang paraan.    Minsan ay naisip ni Elena na ibenta ang kanilang bahay na siya namang inalmahan ni Ramon kaya nagbanta si Elena na kung hindi sila makakagawa ng paraan upang makalabas si Kevin ay maghihiwalay sila kaya kahit na mahirap na desisyon ito para kay Ramon ay pumayag siya para lang masunod ang gusto ng asawa.    Kahit maaari nang makalabas sa kulungan si Kevin ay tila nagmatigas parin ito at tila ayaw nang lumabas sa kulungan kaya hinila nila ito papalabas hanggang sa maisakay sa sasakyan.    Kahit na sa kabila ng lahat ay nagawa parin ni Elena na yakapin ang anak habang si Ramon na ama ni Kevin ay may kaunting sama ng loob.    Nang makarating sa bahay ng kapatid ni Ramon na si Merriam ay sinabihan ni Elena ang anak na   "Anak, kung maaari, pilitin mong makisama sa mga magiging kasama natin sa bahay' at tumugon si Kevin, Pakealam ko! na siya namang ikinabahala ni Elena. Si Merrian ay may tatlong anak, tatlong lalaki na sina Joshua at Nick at isang babae na si Jenica na parehong nasa kolehiyo. Bagamat mamabait naman ngunit sa pag-uugali ni Kevin ay tila susuko ang mga tala sa mga gagawin nito sa bago niyang titirhan. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ni Merriam ngunit sila ay maituturing na may kaya at mababait. At dahil sa hindi parin nagbabago si Kevin ay si Elena ang tagasalo sa lahat ng mga resulta ng kalokohan ni Kevin at nang minsan ay lihim na nagdala si Kevin ng ilang piraso ng shabu sa naturang bahay at kinasabwat ang isang anak ni Merriam na si Nick upang mayroon siyang magait na sariling kuwarto upang gawan ng kanilang sesyon hanggang sa pareho na silang mga adik. Takang-taka naman si Merriam sa kinikilos ng isa niyang anak kaya nagsagawa siya ng isang lihim na pagsisiyasat at napag-alaman na si Kevin ang nagdadala ng droga na siya namang dahilan upang awayin niya si Elena at mumuntikan nang maging resulta upang mapalayas sila sa naturag bahay. Pilit na kinausap ni Elena ang anak ngunit hindi na niya alam kung nakikinig pa ba ito kaya nagpatawag siya ng pastor at dinala rin sa kumbento ngunit lahat sila ay binastos kaya isa na lamang ang pinagpilian kundi ang iparehab at nang malaman ito ni Kevin ay nagsagawa siya ng isang plano,ang maglayas kaya isang gabi,lihim at matahimik niyang isinagawa ang pag-iimpake. Kinaumagahan ay nagtaka si Elena kung bakit wala si Kevin at nang sinubukang busisiin ang mga gamit nito ay wala na lahat. Humingi ng tulong si Elena sa asawa at kahit sa mga tao sa bahay ngunit ni isa sa kanila ay walang kumikibo.

                                     Mag-isa lamang si Elena na naghanap sa nag-iisang anak at dahil sa wala na siyang pera upang makatulong sa paghahanap ng anak ay kanya nalang itong nilakad ang kahabaan at lawak ng siyudad ng maynila at kung kani-kanino nagtanong at dahil sa walang pambayad  ay mano manong naghanap. Nilakad at ginalugad ang kamaynilaan at kung saan-saan na natutulog at dahil sa wala namang pera ay ugali nang magpalipas ng gutom. Samantala ay nag-alala naman si Ramon at Jessy sa kalagayan ni Elena kaya ito'y kanilang hinanap. Sa isang lihim na kuta ng mga notoriyus ng mga sindikato ng droga nagtatago si Kevin at ang tanging trabaho ay ang magtulak ng shabu upang may pangkain at pandroga sa araw-araw. Ni hindi na niya inisip ang kinabukasan at kalagayan sa buhay at walang ibang mas pinahahalagahan kundi ang makapagpaligaya sa buhay. Isang gabi,pupunta dapat sa isang nag-order ng shabu sa kanya ng bigla na lamang siyang tinambangan ng isang grupo ng mga pulis at dahil sa siya ay may patong-patong na kaso ay agad siyang binartolina. Ilang araw na ang ginawang paghahanap nina Ramon at Jessy kay Elena ngunit ni anino ni Elena ay hindi na matagpuan at tila ay pagod narin si Ramon sa paghahanap sa asawa at ang pasumpong sumpong nitong tuberkulosis ay lumala na sa tipong sumusuka na ng dugo. Samantala,sa likod ng kadiliman ay natatago ang katotohanan na hindi na makilala ang itsura ni Kevin dahil sa buto't balat nitong katawan at bagsak na kundisyon ng mukha. Halos ay hindi na makatayo pa at laging nakahiga. Ang bawat pagkain na inirarasyon ay itinatambak lamang sa isang sulok. Sa hindi niya nalalaman na sa likod ng dilim,ang bawat pagsusuka na sa akala niya ay simple lamang ay isa nang nakakaalarmang dugo. Isang araw ay nakadama siya ng matinding pananakit ng tiyan at nakakatunaw na pakiramdam sa sikmura. Halos tinanggap na lamang niya ang katotohanan na mamamatay na siya nang bigla niyang marinig ang isang tunog ng pasyon na isinasagawa lamang tuwing mahal na araw. Sa sobrang sakit at dusa ay isinambit din niya ang pangalan ni jesus sabay hingi ng tulong. Isang araw ay bigla na lamang siyang nagising at dahil sa pag-aakala na hindi na siya magigising ay labis ang kanyang pagtataka at pagpapasalamat. Maya-maya'y isang babae ang naririnig niyang papalapit sa kanya at nagpakilalang isang pastora at kaibigan. Elsa daw ang pangalan at ipinadala daw siya ng diyos sa mga nangangailangan ng tulong. Dito ay nahimasmasan si Kevin at unti-unting bumabalik sa dati ang kundisyon dahil sa suportang pagkain at gamot. Dahil sa ginawa ng pastora kay Kevin ay unti-unting gumaan ang loob ni Kevin sa kanya hanggang sa mailabas si Kevin sa kulungan ay napamahal na siya sa pastora na parang nanay na niya. Tinanong ni Elsa si Kevin kung babalik pa ba daw siya sa kanyang ina at iisa lang ang isinagot ni Kevin "Sinong babalik sa buwisit kong ina,isinusumpa ko siya at kailanman ay hinding-hindi ko siya ituturing na ina" dahil kayo na ang nanay ko"puwede po ba iyon?". Sa mga narinig ni Elsa ay tila nalungkot ito sa mga binitawang salita ng anak. Ipinakilala ni Elsa si Kevin sa isang dayuhang australyano na nagngangalang Kriston na siyang sumagip at tumulong nang siya ay maaksidente at di kinalaunan ay nagpakasal. Kahit na may duda si Kevin sa dayuhang ito ay pumayag narin siya sa hiling ng bago niyang ina-inahan na sila'y sumama sa dayuhan sa ibang bansa. Sa simula pa lamang ay medyo maayos naman at dito ay naisip lahat ni Kevin ang bawat kabaitan ni Elsa sa kanya. Hindi nakakalimutan na siya'y paglutuan ng almusal,sa tuwing siya'y magkasakit ay todo asikaso si Elsa kay Kevin at kung papasok sa paaralan ay palagi siyang nandiyan sa labas ng kuwarto at tinuturuang mag-ingles kaya lumulubag ang bawat kaba at hirap ni Kevin sa bawat araw.

                                     Minsan ay palagi silang magkasama sa paborito nilang simbahan malapit sa paaralan na kanyang pinapasukan at dito ay labis-labis ang pasasalamat ni Kevin sa diyos dahil itinuturing niya si Elsa na isang hulog ng langit habang isa namang sumpa ang kanyang tunay na ina na si Elena. Isang araw ay nag-alala si Kevin ng panay ubo-ng ubo si Elsa at laging nahihilo at kung minsan ay nanghihina kaya nakiusap si Kevin na ipatingin siya sa duktor sa tulong ni Kriston ngunit imbes na makinig ay hinatak si Elsa at sinabunutan dahil sa isang pagkakamali na nagawa sa naturang bahay at dito na unti-unting lumabas ang tunay na kulay ni Kriston. Nagiging magagalitin na ito at laging binubogbog sa tuwing may kaunting pagkakamali kaya nang hindi na makatiis ay nilabanan na nito ang asa-asawa ngunit may baril ang dayuhan kaya wala silang magawa kundi ang sumunod na lamang na siyang naging dahilan upang tumigil sa pag-aaral si Kevin. Isang araw ay nagsimulang mag-impake ng gamit si Kevin habang pilit namang pinipigilan ng nanghihinang ina-inahan at nang ito'y makita ni Kriston ay agad silang ikinulong sa kuwarto nila at kinandaduhan. Ngayon ay isa nang hamon sa kanila kung paanno makakalabas. Dito ay nakita niyang sumuka ng dugo si Elsa na siya namang ikinabahala ni Kevin at kahit na makailang beses na makiusap kay Kriston ay parang lamang silang sumisigaw na walang boses. Nang makahanap ng lagusan si Kevin ay agad na inilabas ang ina inahan. Napag-alaman nilang walang tao ang bahay kaya pinasok niya ang bahay at kumuha ng ilang mamahaling gamit at dito ay natagpuan niya ang isang baril. Nang biglang sumulpot si Kriston ay agad na inagaw niya ang baril kay Kevin na nagresulta upang may matamaan na isa sa kanila. Nang bumulagta si Kriston ay agad na umalis at hinanap ang si Elsa na kanyang ina inahan at sila nitong pagtakas. Sila'y napadpad sa siyudad habang naglalakad ay nakiusap si Elsa na magpahinga muna ngunit alam niyang mahahabol sila ng mga pulis kaya sumakay ng taxi at nagtungo sa paliparan upang umuwi ng pilipinas. Nagsalita ang nanghihina na si Elsa kay Kevin "Anak,anu man ang mga pagkakamali,binayaran ko nang lahat iyon" alam kong hindi mo parin ako napapatawad ngunit sa kabila ng lahat ay kahit man lang sa huli kong hininga ay nakasama kita". Labis na nagtaka si Kevin sa ina inahan ngunit hindi niya ito inintindi at nang makumpleto ang mga papeles sa tulong narin ng isang kaibigang pilipino na nagtatrabaho sa airport ay natagpuan niyang natutulog ang ina at dahil sa akalang natutulog nga talaga ang ina ay binuhat niya ito papasok sa eroplano. Nang dadaan muna sa isang paliparan na nasa parehong bansa ay napansin niya ang isang supot at kanya itong kinuha upang tingnan ay bigla sumulpot mula sa hindi kalayuan ang ilang mga pulis na siya dahilan upang siya'y tumakbo at magtago. Kahit na gustong isama sa pagtago ang ina inahan ay wala na siyang magagawa dahil sa lapit ng mga pulis at kahit na masakit sa loob niya ay kinailangan na niyang iwanan ito. Habang siya'y nagtatago sa hindi kalayuan ay narinig niya na may isang babae ang natagpuan ng mga otoridad na wala nang hininga na siya namang ikinaluha niya at sa kadahilanang gustong makita at makapagbigay ng emosyon ay nagpahuli na siya sa mga pulis. Dito ay ibinuhos niya lahat ng awa at pasasalamat sa lahat ng kabaitang ipinagkaloob nito sa kanya. Habang nakasakay sa sasakyan papunta sa isa pang paliparan ay naalala niya na kundi dahil sa napakasama niyang ina ay hindi siya mapapadpad sa ganitong sitwasyon kaya abot hanggang langit ang galit niya sa kanyang tunay na ina sunod ay sinubukan na niyang buksan ang supot at sumambulat sa kanya ang kanilang mga masasayang mga larawan nila ng tunay niyang ina. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan at naalala ang huling sinabi ni Elsa na si Elena pala. Imbes na galit ay naisip niya lahat ng kanyang mga kasalanan at buong puso niya itong tinanggap.


Makalipas ang dalawampung taon ng pagkakakulong ay napalaya rin siya dahil sa isang kaibigang lawyer at pagkadating sa sariling bansa ay agad na hinanap ang puntod ng ina. Siya'y nagtapos ng pagka abogasya rin at nagpakasal kay Jessy.

                                                             ...***THE END***...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento