Huwebes, Mayo 26, 2011

Ang Malupit na Matanda at ang Galising Pusa

                                                      



                                                      


                                                          Originaly created by Ralph Arveen Cabigon


                                    Si Madam Heles ay isang matandang napakabait at maamo, nag-iisa lamang siya sa kanyang luma at maliit na mansiyon sa gitna ng kagubatan. May isa siyang anak na babae na nagngangalang Ruwana na kanyang inampon nang iwan sa kanyang tarangkahan, napamahal na siya sa anak-anakan niyang ito ngunit nang minsan dumalaga na ito ay nagkaroon ito ng nobyo na taga-ibang bayan. Dahil sa pangyayari ay palagian na lamang itong nag-iisa. Labis itong nalungkot at nag-isip ng masama hanggang sa tuluyan nangang nag-iba ng ugali lalo pa nang magpakasal na ang kanyang pinakamamahal at paboritong anak-anakan.

                                    Naging isa na siyang malupit na matanda at halos lahat ng makita niyang hayop sa kagubatan ay binabaril niya. Isang araw, makalipas ang ilang taon. Isang batang sampung taong gulang ang nakita ni Heles sa isang daanan papunta sa bayan, isang lalaki na maraming bulutong at maitim. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad papuntang bayan ngunit nang siya'y papauwi ay nakita na naman niya ang bata at sumusunod na sa kanya, siya'y nainis kaya binato niya ng ilang piraso ng bato ang bata ngunit hindi ito natinag kaya isinama na lamang niya ito sa kanyang bahay at kinumkop kahit ang gagawin lang sa kanya'y isang mutsatsa na tagalinis ng bahay at tagapagsilbi.

                                   Sa tuwing nagkakamali ang batang papangalanan nating Omar, lagi siyang sinasampal at binabatukan ngunit wala namang magawa ang bata kundi ang hindi kumibo. Napakabait ni Omar at kahit na mga nasugatang insekto at maliit na hayop ay tinutulungan nito at dinadala sa isang tagong budega ng maliit na mansiyon upang alagaan. Maraming kaibigang hayop si Omar dahil sa kakaibang bait nito dito at kung minsan ay himalang natutulungan ng mga ibon at maliit na hayop si Omar sa mga mabibigat na gawain nito sa mansiyon.

                                    Isang araw ay napag-alaman ng matanda na ang batang kinupkop niya ay anak ng bastarda niyang paboritong anak-anakan na si Rowana kaya nang abutan niya ang bata na nakatulog dahil sa maghapon na pagtatrabaho ay agad niya itong tinapunan ng kumukulong tubig na naiwan ni Omar. "Aaarrrrraaayyyyy!!!!........ huhuhuhu... bakit po" sagot ni Omar. Kinaladkad si Omar patungong kusina at nginungod sa mainit na kalan kaya lalong siyang napasigaw hanggang sa ikinulong siya sa isang budega. Nagmakaawa si Omar ngunit isang linggo na ay walang nagbubukas sa kanya, hindi siya nagugutom dahil dinadalhan siya ng mga kaibigan niya ng pagkain at prutas. Walang magawa si Omar kundi ang magpasalamat habang umiiyak. Matapos ang isang linggong pagpapakulong ay nagtaka si Madam Heles kung bakit maayos ang pangangatawan ni Omar. "Akala ko patay kana buwisit ka"!, "talaga nga namang ang anak ng mga masasamang damo na hindi namamatay". Wika ni Madam heles. Dahil sa napangiti si Omar ay higit na nabuwisit si Madam Heles ngunit wala naman itong magawa kundi ang pabayaan na lamang ang bata dahil likas naman sa kanila iyon.

                                  Malakas ang bagyo at tila nagsasayawan ang mga punong-kahoy sa paligid, ang ihip ng hangin ay tila nagbabadya ng kung anu man ang darating. Hindi makalabas ng bahay si Madam Heles dahil malakas ang hangin at nagsisibagsakan ang mga sanga ngunit wala na siyang makain kaya pinagdiskitahan niya si Omar. Kahit na lubhang napakamapanganib ay sumunod na lamang ito upang hindi na naman makatikim ng latigo. Minsan ay atras abante ang kanyang lakad at kung minsan ay hindi na makaabante lalo pa na may mga nakaharang na puno hanggang sa pagpupumilit na makausad ay nabagsakan nga siya ng isang puno.

                                 Tuluyan na nga siyang nawalan ng malay habang nakasalampak sa lupa na duguan at walang sinuman ang nakakaalam ng nangyari. Ngunit walang anu-anu at nagising si Omar na nasa loob na siya ng isang maliit na kuweba. Nagtaka siya at napatingin sa paligid, isang gus-gusing pusa ang namataan niya sa di kalayuan. "Nasaan ako"?, anung ginagawa ko dito?", 'sinong tumulong sa akin?". Walang ediya si Omar ngunit may kutob siya na ang pusa sa hindi niya kalayuan ang posibleng may gawa ngunit mahirap na patunayan kaya kinaumagahan nang wala na ang malakas na ulan at hangin, nagsimula na siyang lumarga ngunit sumusunod sa kanya ang pusang gusgusin kaya isinama na lamang niya ito.

                                 Dumating siya sa mansiyon ngunit tahimik ang loob, nang siya'y nagsimulang buksan ang pinto, siya'y agad na pinagsaraduhan dahilan upang tumalsik siya. !!!Walang hiyaaaa""!!...., "hindi ba sinabi ko sa iyo bata ka ha' na gawin mo ang pinag-uutos ko ha"...  hhhrrrr.... nasaan na"?. Umiyak si Omar at hihingi na sana ng paumanhin ngunit nagulat siya nang makita ni Madam ang isang supot ng tinapay sa kanyang likuran. Napagbintangan siya na nagtatago ng pagkain kaya agad siyang ikinulong na naman sa budega. Habang nakabaluktot sa isang sulok si Omar, nilapitan siya ng pusang ligaw at tinitigan siya nito na labis na ipinagtaka ni Omar. Kinaumagahan ay napalaya na rin si Omar sa kadahilanang nasarapan siya sa tinapay na dala niya kaya pansamantalang laya siya. Ngunit agad na naman siyang napalo nang magulat si Madam Heles dahil sa alaga nitong pusa. Sa lahat ng hayop, sa pusa mas may Allergy si Madam kaya nung malaman niyang nasa loob ng kanyang tahanan ang pusang kinamumuhian niya kaya pinilit niya si Omar na itapon ang pusa. Kasagsagan na naman ng malakas na ulan at inutusan siyang ihulog sa rumaragasang ilog ang pusa. Ilang beses na siyang binatukbatukan, sinipa, tinadyakan at murahin ngunit talagang kunsensiya ni Omar ang nangingibabaw hanggang sa humantong sa mga masasakit na banta na palalayasin siya kapag hindi niya nagawa ngunit hindi natinag si Omar at yakap yakap parin niya ang pusa. Pinagbigyan parin siya ni Madam Heles sa maraming kundisyon at isa na doon ay ang araw-araw niyang pagdadala ng mga tinapay na kanyang nagustuhan ang lasa. Problema ngayon ni Omar kung saan kukuha dahil bigla lang naman iyon sumulpot sa likura niya ng hindi niya alam. Isang araw ay kinukulit siya ng pusa at tila ito'y may ipinapahiwatig. Sinundan niya ang pusa ngunit malayo na ang kanilang narating at patuloy parin silang naglalakad hanggang nagulantang nalamang si Omar nang tumambad sa kanya ang isang hardin na namumulaklak ng tinapay at sa paligid nito ay maraming mga pusa ngunit ang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang isang rebulto ng gintong pusa sa sentro ng hardin.

                                             Masayang umuwi si Omar dala ang isang maliit na sako ng tinapay ngunit imbes na magpasalamat ay inagaw pa sa kanila iyon. Nagdeklara si Madam Heles na walang lalabas ng bahay sa loob ng dalawang linggo dahil may imbak naman daw ng tinapay. Bagamat may imbak, hindi naman makakain si Omar dahil ayaw siyang bigyan. Hanggang isang araw, nagulat si Madam Heles nang nawawala ang tatlong piraso ngunit nakita niya ang ilang yapak o marka ng paa ng mga pusa, sinundan niya ito at nahuli nga niya na nilalantakan ni Omar at ng pusa ang kanyang mga tinapay. Dahil sa nangyari ay lalo pang naparusahan si Omar. Ikinulong siya sa isang kinakalawang at marupok na hawla at isinabit sa isang mataas na puno. Walang magawa si Omar kundi ang tumangis at magmakaawa.

                                           Samantala ay nagugutom na si Madam ngunit hindi naman niya gustong pakawalan si Omar kaya nakipagkasundo si Madam Heles kay Omar na kung ituturo lamang nito ang kinaroroonan ng pinagkukunan ng tinapay ay pakakawalan siya ngunit ito ay kasinungalingan lamang. Inihayag ni Omar na kung magpapasama siya sa pusa ay matutunton niya ang kinaroroonan ng tinapay. Habang nasa paglalakbay ay ngumiti si Madam na tila ay may masamang balak. Ilang oras nang makalipas at natunton din ni Madam ang hardin. "Hindi ako makapaniwala", "ang mga masasarap na tinapay, tumutubo lang" hahahaha..... Dala ang isang malaking sako ay hinakot niya ang maraming tinapay at pinagbabaril ang mga pusa na nagtangka na siya'y kalmutin gamit ang lumang baril na siyang paborito niyang gamitin sa mga hayop na kanyang makita sa gubat. 

                                           Ngunit isang ediya ang pumasok sa kanyang kukote na dahil sa hindi mahulugang dami ng mga tinapay ay nakaisip siya na pagkakitaan ito. Ibenenta niya ito sa bayan at siya'y labis na natuwa dahil labing minuto palang ay ubos na ang tinda niyang sampung sako ng tinapay. Samantala ay napako naman ang pangako niya kay Omar na pakakawalan na siya dahil naging abala na ito sa kanyang pananamantala sa mahiwagang hardin ng mga tinapay.  Kumita si Madam ng dalawang milyong piso sa loob lamang ng tatlong araw kaya naghakot siya ng mga katulong sa pag-ani ng napakaraming tinapay at lalo pa siyang kumita ng dalawampung milyon sa loob lamang ng ilang linggo. Pinaayos niya at pinaganda ang kanyang mansiyon habang si Omar naman na nananatiling nakasabit sa puno ay halos hindi na maidilat ang mga mata sa sobrang paghihina. Samantala, sa hardin. Isang trabahador ang tumawag kay Madam Heles. "Madammm..., "may isa po ditong gintong rebulto ng pusa, "mukhang mamahalin at walang nagmamay-ari'. Dahil sa kakaibang ganda at kinang ng rebulto ay imbes na ibenta ay iniuwi niya ito sa kanyang bahay at ginawang dekorasyon sa sala. Habang nagpapahinga ay napansin niyang may lamat ang tiyan ng gintong rebulto ng isang pusa. Inusisa niya ito at natanggal niya ang isang piraso. Naaninag niya sa loob ang isang kumikinang na pulang bato at dahil sa sobra siyang namangha at nagandahan ay ginawa niya itong kuwintas. Pagkalipas ng isang linggo at halos wala nang malay si Omar kaya ibinaba na ito ni Madam Heles at hinila papunta sa budega at binigyan ng isang piraso ng tinapay ngunit hindi na ito magising gising pa hanggang isang gabi, kabilugan ng buwan. Sa hindi inaasahan, tumunog ang kampana ng pinakamalapit na kapilya sa eksaktong alas-dose ng umaga. Habang ang kuwintas na suot ni Madam Heles ay nagliwanag ng hindi niya alam.



                                         Kinaumagahan. Isang pagkagulantang ang pumutok sa mansiyon ngunit hindi ng boses ng isang tao kundi ng isang pusa. Sa kama ni Madam, isang pusa na gus-gusin ang nagsitalon ng walang humpay. "Anung nangyayari sa akin!?.. na ito?" bakeeett... ganito ako"?.. bakit ako naging pusa, ang pangit pangit ko na, mabaho pa ako".. O" por diyos por santo"? huhuhuhu..... Nanatili si Madam Heles na naging anyong pusang gusgusin at puno ng sugat sa mansiyon. Naisipan niyang puntahan ang kanyang mga kaibigan at kumare ngunit pinalo lamang siya at ipinahabol sa aso. Walang magawa si Madam Heles kundi ang tumangis dahil sobrang napakahirap para sa kanya ang tanggapin ang sinapit. Sinubukan niyang puntahan ang kinawawa niyang si Omar ngunit wala parin itong malay kaya bumalik na lamang siya dahil sa pride niya. Isang araw, dumating ang isa niyang malapit na kaibigan na si Eliza kaya naglakas loob na pinuntahan ito ni Madam ngunit dahil alam na niya kung anung mangyayari dahil sa itsura niya ay nanatili na lamang siyang nakatayo sa isang tabi habang tawag ng tawag sa kanya ang kanyang kaibigan. Pagkalipas ng ilang linggo ay may pulis ang nagsimula nang mag-imbestiga sa paligid at nagulat si Madam nang makita niya ang paborito niyang anak na si Ruwana at ang asawa nito. Hanggang sa sila na nga ang tumira sa pinaganda niyang mansiyon.

                                       Isang linggo ang makalipas. Sa isang bahagi ng kisame na napakagulo, isang nag-aastang mamuhay na parang tao na pusa ang natutulog, may maliit na karton bilang kama, may piraso ng tela bilang kumot at mga kahon bilang aparador at lamesa. Hanggang nagising na lamang ito ng isang malakas na sigaw ang gumimbal sa maliit na mansiyon, lagi na namang sinasaktan si Omar at lalo siyang nagulat nang higit pa pala sa kanya ang kalupitan ng kanyang anak-anakan sa ginagawa sa kanyang apo na si Omar. Isang gabi, pinuntahan niya sa labas ng bahay si Omar at ito'y natutulog sa loob ng pinagtagpi-tagping bahay-bahayan dahil ayaw itong patulugin sa loob ng ina nito. May isang babaeng anak si Ruwana na si Nia na nasa labing tatlong taong gulang na. Lingid sa kaalaman ni Madam Heles, pilyo at salbahe si Nia, dahil nagmana ito sa kanya at sa kanyang ina. Isang gabi, isang gutom na Madam Heles na sa anyong pusa ang nagpunta ng kusina at tiyempo namang papunta doon si Nia upang uminom hanggang sa nagsalubong ang dalawa. Nakakarindi ang sigaw ni Nia kaya lalong napatalon si Madam Heles sa gulat kaya umalis ito agad. "Oh!" Nia. "Ano bayan?' tanong ni Ruwana sa anak. "Ina", isa po kasing halimaw ang nakita ko" dito sa kusina... At tumugon si Ruwana. Ano!" imposible anak. sarado lahat ng pwedeng mapasukan.

                                        Kinaumagahan. Nag-umpisa ang mag-anak na halughugin ang buong bahay mula sa basement hanggang sa attic hanggang nakita nga nila na mayroong isang pusa na ang pangit ng itsura at mabaho. Pinalo nila ito hanggang sa maghabulan na sila sa attic ngunit nakalmot ni Madam Heles ang kanyang babaeng apo na si Nia kaya nagtalsikan ang dugo at siya namang humagulgol ng takbo papalayo si Madam ng mansiyon. Umalis na nananangis si Madam habang hindi alam kung saan papunta at siya'y napadpad sa bayan. Dito ay pilit niyang tinanggap ang bagong buhay bilang isang ligaw na pusa. Kahit na ayaw niya ay pinilit niyang maghukay sa basurahan ng makakain para lang mabuhay hanggang minsan, isang kumpol ng mga pusa ang kanyang namataan sa isang abandunadong bahay habang siya'y naglalakad at kanya itong nilapitan. Narinig niya na ang mga pusa ay nakikipag-usap sa isa't-isa at habang pinakikinggan niya ng mabuti ay naliwanagan siya sa kanilang pinag-uusapan. "Walang hiya talaga, magbabayad ang gumawa sa atin nito". Sabi ng unang pusa at tumugon naman ang pangalawang pusa. "Nang dahil sa tinapay na binili natin sa buwisit na negosyante nayun, tingnan mo nangyari sa atin".

                                        Hindi malaman ni Madam kung bakit sinisisi ang kanyang panindang tinapay. Ngunit ang alam niya na may kinalaman ang kuwintas sa tinapay at para hindi na magkaroon pa ng kaguluhan ay umiwas na lamang ito sa mga pusang tila kagaya niya at siya'y nagpunta sa ibang bayan.



                                        Makalipas ang sampung taon. Sa isang bakanteng lote, sa isang tambakan ng basurahan. May isang kahon na tila ay anyong bahay at sa loob ay isang nanghihina na at hindi na maintindihan na anyo ng pusa na si Madam Heles ngunit mayroong kasamang isang kuting. Inampon niya ang kuting mula sa isang nag-abanduna dahil sa pag-aakalang siya'y babantayan at aalagaan siya dahil sa siya'y lalong tumanda ngunit nang lumaki ang pusa ay basta na lamang siya pinabayaan at kung minsan ay inaaway pa siya. Ngayon ay nag-iisa na lamang siya at kung minsan ay kahit na iika-ika lumakad ay kailangan niyang maghanap ng pagkain dahil lalo siyang manghihina at mamamatay. Nakakita siya ng isang kumpol ng mga pusa na nakatingala sa isang bintana. Nilapitan niya ito at napag-alaman na nagtatapon ang may-ari ng bahay ng mga tirang pagkain at dahil sa matinding pagkagutom ay binilisan niya ang pagtakbo ngunit nang itapon na ang isang supot ng tirang pagkain ay inunahan na siya agad ng mga karibal niya na siyam na pusa na mas malakas sa kanya. Naubos ang laman ng supot at iniwan siyang nag-iisa sa harap ng bintana. Hinintay niya ang may-ari na magtapon pa uli ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay iyon na ang pinakahuli para sa linggong iyon. Nagtaka siya kung bakit na imbes na buksan ang bintana ay nagpatay pa sila ng ilaw. Napaluha na naman si Madam Heles at di alam kung ano ang gagawin, nangangatog ang mga binti sa gutom at nagdidilim ang paningin hanggang sa ito'y himatayin.

                                     Isang araw ay nagising si Madam Heles sa loob ng isang kuwarto, kuwarto na puno ng maraming mga hindi ginagamit na bagay, sa madaling salita ay isang budega at sa pagtingin niya s paligid ay walang tao kayat ipinagpatuloy ang pagtulog. Sa muling paggising ay isang maamong mukha ng isang binata. "Omar", wika sa isip ni Madam Heles at kahit hindi siya nauunawan ni Omar ay lagi naman itong nakangiti sa kanya dahil sa taglay niyang kabaitan sa mga hayop tulad ng pusang ligaw. "Oh" diyos ko!,"salamat at hindi mo ako pinabayaan sa pamamagitan ng apo kong ito". Labis akong humihingi ng kapatawaran sa lahat ng pagkukulang ko at kalupitan ko sa inyo diyos ko para kay Omar".. huhuhuhu.... Nagtataka naman si Omar kung bakit may tumutulo sa mga mata ng gusgusing pusa kaya lalo itong niyakap ni Omar na siya namang lalong ikinatangis ni Madam Heles. Kinaumagahan ay nagulat si Madam Heles nang sigawan at buhusan ng tubig ni Donya Ruwana si Omar. Mula noon ay inobserbahan na ni Madam Heles ang buhay ni Omar pagkatapos niyang mawala ng ilang taon. Napag-alaman niyang nananatiling inaalila at sinasaktan parin ng kanyang ina si Omar, bawat araw ay siya lagi ang nagtatrabaho sa bahay at kahit gabi. Kahit gusto niyang tulungan ang mahal niyang apo ay hindi niya magawa dahil lagi siyang sinasabihang magpahinga kahit pusa lang siya. Isang araw, hindi sinadya ay nabasag ni Madam ang isang base dahil sa iika-ika nga siyang maglakad kaya natisod niya ito ng hindi sinasadya. Agad siyang nakita ni Nia na anak na babae ni Ruwana na siya namang kapatid ni Omar. Agad siyang isinumbong ang kanyang nakita sa ina kaya ulit ay pilit na namang pinapalayas ng pamilya ang pusang si Madam Heles ngunit uli ay nakiusap na naman si Omar. Para mapagbigyan siya ay walang ibang pagkain ang ibibigay sa kanya kundi pagkain ng pusa na panis na.

                               Isang gabi, dahil sa gutom na si Omar ay kinailangan na niyang kainin ang panis na kanin at dahil nakakulong siya ay wala kakayahan upang makapuslit ng pagkain. Samantala ay iniuusod naman ito ng pusa papalayo sa kanya kaya nagtataka si Omar. Naisip ni Madam na puslitan ng pagkain si Omar ngunit natatakot siyang mahuli kaya lumarga siya ng hindi alam ni Omar. Nagpunta si Madam Heles papuntang hardin ng mga tinapay ngunit tumambad sa kanya ang isang hardin na wala nang buhay. Ang mga halaman ay kalansay na lamang at nakita niya ang mga kalansay ng mga pusa na pinatay niya kaya nagpasya siyang bumalik na lamang sa bahay. Habang naglalakad ay nakakita siya ng isang pusang nagliliwanag ngunit isang kurap lang ng mga mata ay nawala na agad ito ngunit napansin niya ang isang kuwintas na pamilyar sa kanya kaya kinuha niya ito at iniuwi. Sa bahay ay tinitigan niya ang kuwintas hanggang naalala na niya ang lahat na dahil dito ay nagkaganyan siya. Itatapon na dapat niya ang kuwintas sa ilog ngunit nakita siya ni Omar at pilit itong kinuha ni Omar at sinabing. "Huwag mong itapon yan" aking alaga", may halaga sa akin yan". Sa puntong ito ay nahiwagaan si Madam Heles kung bakit hanggang sa nagsalita si Omar. "Ito lang kasi ang ala-alang iniwan ng aking lola na kahit sinasaktan ako ay mahal ko parin". Naantig at napaiyak si Madam Heles. O" bakit lumuluha ka", lumuluha ba talaga ang isang pusa?" tanong ni Omar sa sarili.

                               Pagkadating sa bahay ay nakasalubong na sa tarangkahan ang mag-anak. "Bakit ngayon lang ka lang?", at saan ka naman nanggaling walang hiya ka". Tanong ni Ruwana. "Kasi po". At tila ay magsasalita pa si Omar ngunit ito'y nabigla na ng sabunutan siya ng kanyang ina at nakisama narin sa pananakit ang anak nito at asawa kaya bugbog sarado si Omar at habang nagkakagulo ay nahulog naman sa lupa ang kuwintas na siyang dahilan upang magsitigil ang lahat. "Ano ito ha?". Tanong ni Ruwana. Ina'y wala po, akin na po iyan". Kinaladkad ni Ruwana si Omar sa loob at ipinagpaliwanag. "Parang awa niyo na po inay, mahalaga po sa akin yan...huhuhu.... At nagsalita sa wakas si Ruwana." Anong ina.... alam mo naririndi na ako matagal na" (SUMIGAW) !!Wag mo akong matawagtawag na ina dahil hindi kita anak!".... Nabigla si Omar sa binitawang salita ng kanyang ina. Noong oras ding iyon ay ipinagtapat na ni Ruwana kay Omar na inampon lamang siya upang maipakita sa kanyang ina na si Madam Heles na may anak na sila ng kinakasama niya at hindi na sila maaari pang galawin. Nasaksihan ito ni Madam Heles kaya agad siyang tumakbo upang kalmutin si Ruwana dahilan upang magkasugat-sugat ang mukha nito. "Napakawalang hiya mo babae ka" huhuhu... matapos kitang palakihin at alagaan ay ito pa ang nagawa mo", wika ni Madam sa kanyang sarili. Agad ay hinuli ng asawa ni Ruwana ang pusa at ikinulong. Nang mahimasmasan si Ruwana at nagamot lahat ng sugat nito ay sinimulan na niyang paglaruan ang pusa at bigyan ito ng matinding leksiyon na siyang dahilan upang manghina at himatayin si Madam Heles ngunit agad siyang isinalba nang manlaban si Omar at agad ay itinakas ngunit siya'y nabaril ni Ruwana.

                                            Sumalampak sa lupa ang duguang si Omar. At dahil sa nangyari ay pilit na iminulat ni Madam Heles ang mga mata at kausapin si Omar ngunit hindi na ito gumagalaw. Sila'y dinala sa ilog at doon ay ipinaanod sa bangka.

                                             Habang nasa gitna ng ilog sa ilalim ng papabilog na buwan na singliwanag na ngayon ng kaisipan ni Madam. Pilit niyang ginising ang apo ngunit hindi na ito sumasagot at dahil sa tindi ng sugat niya ay ibinagsak na lamang ang sarili at tinitigan ang maliwanag na bilog na buwan at sa huling pikit ay biglang tumunog ang kampana ng pinakamalapit na simbahan. Samantala sa mansiyon. Halakhak naman ang namutangi sa mga bibig ng mag-anak. "Sa wakas, mayaman na tayo, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang bato,hahahaha".... wika ni Ruwana. Ngunit may napansin ni Nia ang hugis ng bato sa hugis ng butas na nasa dib-dib ng gintong rebultong pusa kaya sinubukan nga nila na ilagay ito dito hanggang isang malaking liwanag ang sumabog sa mansiyon. Nagulat ang mag-anak at nang pilit nilang alisin ang bato ay naitumba nila ang rebulto dahilan upang mabasag ito at isang liwanag ang kumawala dito at lumabas ng bahay.

                                            Kinaumagahan. Sa tabi ng ilog, isang bangka ang nakadikit sakay ang isang matandang babae na tumatangis at sumisigaw ng tulong. "Omaarrrr..... huhuhuhuh"..... apo ko".... Ngunit walang nakaririnig sa kanila. At habang kinakarga ni Madam Heles na sa anyong tao na ang wala nang buhay na apo sa kagubatan ay isang puting tila engkantada ang nagpakita sa kanila. Nagsalita ang engkanta. "Gusto mo bang mabuhay uli ang iyong apo?" at agad na umoo si Madam ngunit isang kundisyon na isa lamang ang mabubuhay sa kanilang dalawa. Nangangahulugang may isang magsasakripisyo.

                                           Pagkatapos ng kasunduan ay naglaho na ang puting engkantada at sa paglahong ito ay isang nagpapatrol ang nakakita sa kanila at dinala agad sila sa ospital ngunit si Omar ay idineretso na sa Morge. Ngunit hindi iniwan ni Madam Heles si Omar at nanatili hanggang mag-umaga. Kinabukasan at nang kaya na ni Madam Heles ay hinanap niya ang kanyang abugado na si attorney Hidalgo upang ihanda ang isang huling testamento. Kasama ang ilang pulis at ang abugadong si attorney Hidalgo ay nagpunta sila sa mansiyon.

                                           "Inay"".. hehehe.. buti naman po at bumalik na kayo, ang tagal namin po kayong hinintay, si Omar po, nagbakasyon po sa amin.. hehehe.. Ngunit isa lang ang sagot ni Madam. Isang malutong na sampal. Nagulat ang mag-anak lalo na si Ruwana. "Ina'y", bakit naman po?".. at sumagot si Madam. "Kailanman ay hindi kita naging tunay na anak". Hindi ba't iyan din ang sinabi mo kay Omar bago ang pagpapatapon mo sa amin sa ilog". Nagulat si Ruwana nang sabihin iyon ng kanyang ina-inahan. At bumulong si Ruwana. "Papaano niya nalaman iyon?" at siya'y nagsalita kay Madam. "Napakasumbungero talaga niyang walang hiya niyong apo". Hindi si Omar kundi ako mismo ang nakakita at nakarinig. "Hindi ba't ako ang may gawa niyang kalmot sa iyong mukha". Hindi makapaniwala si Ruwana. "Imposible, inay, napakasinungaling niyo", pare-parehas kayo ng apo niyo". Sigaw ni Ruwana habang dinadala na sila ng mga pulis patungong presinto.

                                          Nang muling dinalaw ni Madam si Omar sa morge ay wala parin itong buhay at nangingitim na ang ilang parte ng katawan nito kaya kinailangan na siyang iimbalsamo. Walang nagawa si Madam kundi ang umiyak habang isinasakay si Omar sa sasakyan ng mag-iimbalsamo. Sinundan niya ang sasakyan ngunit nawala na laman ito. Hinanap niya kung saan-saan hanggang sa makapagtanong siya at walang ano-ano ay isang nagkakaguluhang tao ang namataan niya sa kalayuan kaya pinuntahan niya agad ito. Isa daw patay ang nabuhay ang sabi ng mga naroroon. Nakita niya si Omar na nakabangon kaya agad niya itong niyakap. Isinugod si Omar sa pinakamalapit na ospital upang gamutin at alagaan.

                                           Pagkalipas ng ilang araw ay nasa maayos na kundisyon na si Omar at dito ay humingi ng sandamukal na kapatawaran si Madam Heles. "Wala naman po dapat kayong ihingi ng patawad, naiintindihan ko po kayo kung bakit niyo nagawa sa akin iyon, sa una palang po ay pinatawad ko na kayo Madam". At biglang nagsalita si Madam Heles. A" eh.. huwag mo na akong tawaging Madam", lola na lamang'. Mula noon ay buong pag-aalaga at kalinga ang ibinigay ni Madam kay Omar dahilan upang mapamahal narin dito si Omar. Ngunit ang palugit na araw ay nauuubos na ngunit ang pagmamahal nila sa isa't-isa naman ay umaapaw. Isang araw ay may ibinigay na papel ang abugado ni Madam kay Omar upang papirmahan ngunit hindi ni alam ni Omar kung ano-ito dahil ni minsan ay hindi nakapag-aral si Omar.

                                           Habang namamasyal ang maglola sa parke habang nakangiti ang dalawa ay halata na ang senyales sa mukha ni Madam. "Bakit po ang lungkot lungkot niyo lola?" tsaka namumutla na po kayo", "bibili po tayo ng maraming vitamins at pampalusog para bumata po kayo hindi yung nagmumukha na po kayong losyang lola hehehe"...
Isang araw, habang wala si Omar sa mansyon ay nagpunta si Madam sa ilog at sinasariwa ang lahat ng mga ala-ala hanggang sa siya ay labis na inubo ngunit purong dugo ang kanyang plema at agad ay hinugasan niya at kumuha ng tubig sa ilog. Nang hindi sinasadya ay nakita niya ang itsura sa tubig na kalansay na. Dahil dito ay napatakbo sa siya dahil sa alala. Isang araw ay kakausapin dapat niya si Omar tungkol sa kanyang sinisikreto ngunit agad siyang naunahan ni Omar at nakipagkasundo na sa kanyang ikaladalawamput isang kaarawan na kung saan ang pinakaipinagdidiriwang na kaarawan para sa lalaki ngunit dalawang taon pa bago mangyari ngunit ilang linggo na lamang ang itatagal niya sa mundo kaya sobrang sakit para sa kalooban ni Madam kaya despirado na siyang ipagtapat ngunit naaawa siya sa kanyang apo. Isang araw, nagpaalam si Madam na pupunta ng bayan para makipag-usap sa kanyang abugado ngunit aminado si Madam na wala naman dapat silang pag-usapan ni attorney at tanging sa isip lamang nito ay walang iba kundi kaguluhan at tangkang pagpapakamatay sa hindi alam na paraan. Habang nasa daanan ay inatake na naman siya ng kanyang tuberkulosis na inililihim niya sa kanyang itinuring na apo, napakaraming dugo ang kanyang idinura at nakakaramdam na siya ng panghihina. Nang makarating sa bayan, tila nagpalaboy laboy siya at nang siyay maupo sa isang parke sa tabi ng kalsada at tinitingnan ang mga sasakyan. Dito ay nakakita siya ng paraan para matapos na agad ang lahat at upang hindi na masaksihan ni Omar ang unti-unting pagkaubos ng kanyang hininga ay buo na ang desisyon niya.

                                          Samantala sa mansiyon, abala naman si Omar sa paghahanda ng isang magandang surpresa para sa kanyang minamahal na lola Heles, isang munting salo-salo ngunit nagulat siya nang biglang mabasag ang isang baso samantalang maayos ang pagkakalagay niya dito hanggang isang tao ang kumatok sa kanyang pintuan at ipinaalam na wala na ang kanyang lola Heles. Dead on arrival sa ospital kaya idineretso sa punerarya. Nanlumo si Omar sa nalaman habang tinitingnan ang kanyang mga inihandang surpresa para sa minamahal na lola. Nang puntahan ni Omar ang kanyang lola sa punerarya ay hindi na ito maaari pang makita dahil lasug-lasog na ang itsura nito. Dito ay umiyak na ng husto si Omar at tila ay nanghina dahil ang lahat ng kanyang pangarap para sa kanyang lola ay natapon na.

                                        Ayon sa imbestigasyon ay mismong si Madam daw ang pumagitna sa kalye kaya walang ibang mapaparusahan.

Ngayon ay nag-iisa na lamang si Omar sa mansiyon at dumating ang kanyang debu nang ilang mga hayop lamang ang kanyang kasama sa bahay dahil wala rin namang ibang kaibigan at kamag-anak si Omar at kung kahit kakilala ay nasa malayo narin at nakakulong. Naghanda si Omar ng ilang masasarap na pagkain at inilagay niya sa puntod ni Madam sa likuran ng mansiyon ngunit mga hayop lamang ang kumain.


                                      Pagkalipas ng sampung taon. Abandunado na ang mansiyon at ang puntod ni Madam ay hindi narin makita dahil sa kapal ng mga damo.

                                      Samantala, isang pagtatapos ang ginanap sa isang unibersidad, isang bagong Omar ang lumabas at masayang masaya. Si Ruwana na matagal nang nagbago ang umalalay sa kanya at tumulong upang makapag-aral at makapagtapos. Hindi maipinta ang kasiyahan ni Omar sa kanyang tagumpay. Pagiging beterenaryo ang kanyang kinuha.
Ipinaubaya narin niya ang mansiyon sa kanyang ina-inahang si Ruwana at sa asawa nito at muli ay ipinaayos nito ang mansiyon at ang puntod ni Madam. 

                                     Nangibang bansa si Omar para magtrabaho sa isang klinika ng mga hayop kung saan ay muli ulit niyang nakita si Nia na malaki na ang ipinagbago. Naging magkaibigan sila ulit at minsan ay nagtatawanan habang sinasariwa ang kanilang mapait na nakaraan. Naisip ni Omar ang kagandahan at kabaitan ngayon ni Nia at pagkalipas ng ilang taon ay nagpakasal na sila.

                                     Masaya na ngayong namumuhay ang bagong pamilya ni Omar sa piling ni Nia na dating nagmalupit din sa kanya ngunit para kay Omar, ang mahalaga ay sa ngayon at ang madilim na nakaraan ay dapat nang itapon.

Samantala, nagtayo si Omar ng isang organisasyon na siyang mag-aampon ng mga pusang ligaw at si Nia naman ang katuwang ni Omar. Nagkaroon sila ng pitong anak at lahat sa kanila ay maaamo at mababait sa mga hayop.

At dito na nagtatapos ang aking kuwento.....................


                                ..........................******THE END*******...............................



tips: Mas maganda kung babasahin niyo ang kuwentong ito habang nakikinig ng mga sad violin at piano na mahahanap sa youtube.



Pagninilaynilay:

                                        Anumang saklap ang ating pinagdaanan sa buhay, anumang hirap, ang mahalaga ay nananatili tayong matatag dahil ika nga, hindi sa lahat ng panahon ay nasa lusak tayo, pagkatapos ng unos ay isang napakagandang bagong araw ang ating makakamit. Importante ay ang buo nating pag-asa at pananalig na balang araw ay sisikat din ang ating liwanag, isang liwanag na siyang premyo ng ating pagtitiyaga.



Para sa mga kritiko, pakihanap lamang po ang mga mali sa istoyang aking ginawa at agad ay aayusin natin. SALAMAT PO.

                                                                                                                          from: the Author.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento